
Natunghayan na ang masakit na istorya ni Mitena sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa mahusay na pagganap ni Rhian Ramos at child star na si Sienna Stevens, maraming puso ang naantig sa mapait na pinagdaanan ni Mitena sa lupain ng Mine-a-ve.
Hinangaan ng viewers ang emosyon at husay ng dalawang Kapuso stars. Sa social media, kapansin-pansin ang dami ng papuri sa kanilang pagganap sa karakter.
Si Rhian mismo, hindi rin maitago ang paghanga niya kay Sienna na ginampanan ang batang bersyon ni Mitena.
"I'm so, so proud of Sienna. I got to work with her sa Royal Blood pa lang," pahayag niya sa GMA Integrated News.
"I think she really killed it as Mitena kasi habang pinapanood ko 'yung mga eksena niya, grabe dalang-dala ako. Doon ako pinakanaiyak actually. Never ako naiiyak sa sarili ko. Pero noong nakita ko 'yung performance talaga ni Sienna, dalang-dala ako."
Naglabas pa si Rhian ng isang reaction video habang pinapanood niya ang eksena ni Sienna sa telebisyon. Kitang-kita ang tuwa ng Kapuso star sa ipinakitang galing ng batang Mitena.
"Ang galing ni baby Sienna!" caption ni Rhian.
Labis din ang pasasalamat ni Rhian sa mainit na pagtanggap ng fans sa kanyang karakter. Tinagurian pa nga ng netizens ito bilang "Most Fashionable Villain" sa Philippine TV.
"It's an honor actually to wear all of the Mitena gowns. You can see every part of our show is really beautifully made. So it helps me to get into character," ani Rhian.
Isa rin daw sa mga dapat abangan na eksena ay ang pagtutuos nina Mitena at Hara Cassandra na ginagampanan ni Michelle Dee.
"I think nakakatulong din minsan sa mga eksena 'yung closeness. 'Pag komportable ka at tsaka may tiwala ka sa sa isang tao, mas gumaganda 'yung eksena kasi nagbibigayan kayo doon, e," dagdag ni Rhian. "So I'm very excited na mapanood ng lahat. 'Yung scenes ni Mitena and Queen Cassandra together."
Mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre tuwing 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Available din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, kilalalanin pa ang child star na si Sienna Stevens sa gallery na ito: