
Nakabalik na sa tahanan ng Unang Hirit ang masayahin at pure energy host na si Shuvee Etrata!
Noong June 20, mainit na pagsalubong ang inihandog sa Kapuso star sa kanyang pagbabalik sa morning show.
Palangiti na agad si Shuvee sa entrance ng GMA Network kung saan sinalubong siya ng fans na may dalang banners. May special bouquet din siyang natanggap mula sa kanyang co-hosts na sina Suzi Entrata at Shaira Diaz.
"Na-miss ka naming lahat! Grabe!" masiglang bati ni Shaira.
Hindi napigilan ni Shuvee ang maging emosyonal sa kanyang pagbabalik, at buong pusong niyakap ang hosts bilang pasasalamat.
"Grabe 'yung pakiramdam. Dito na ako ulit," ani Shuvee.
"Kahapon lang ako nakauwi pero it feels na nandoon pa rin ako sa bahay. Feeling ko anytime magsasalita si Kuya, may violation daw ako. "
Sa mas matagal na kwentuhan sa studio, ibinahagi ni Shuvee ang kaniyang pagmamahal sa Unang Hirit barkada.
"Syempre ito po 'yung bahay ko. Iniisip ko po talaga na kundi po akong maging Big Winner. Sabi ko sa sarili, 'Okay lang. Nandyan naman ang Unang Hirit. Bahay ko ito.'"
Aminado rin ang Kapuso host na hindi pa rin siya makapaniwala sa dami ng sumusuporta sa kanya ngayon. Pati sina Suzi at Shaira ay humanga sa init ng pagmamahal ng fans kay Shuvee.
"Huwag po kayo mag-alala dahil patuloy po ang laban natin dito sa outside world! I love you all!" mensahe ni Shuvee.
Bilang bahagi ng special homecoming episode, binalikan ni Shuvee ang kanyang most iconic moments sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Mas kinilig pa ang lahat nang dumating sa studio ang kanyang “TDH” o Tall, Dark, and Handsome. Walang iba kundi si Anthony Constantino!
"Sabi ko [bumalik] ka, ikaw lang. May kasama ka pa (ngayon)," pagbibirong komento ni Arnold Clavio.
Tuloy-tuloy ang mga sorpresa sa kanyang pagbabalik dahil si Shuvee ang magiging bagong UH-Hostmate! Abangan ang kanyang "Super OA" surprises sa morning show na siguradong puno ng good vibes!
Samantala, abangan din ang Kapuso star sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Streams sa official Facebook account at YouTube. Mapapanood din ito sa sa GTV, 9:40 p.m.
Panoorin din ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaaring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Kilalanin pa si Shuvee Etrata sa gallery na ito: