
Bukas na pinag-usapan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi ang kanyang pribadong buhay nang humarap siya kay Nelson Canlas sa GMA Integrated News Interviews noong June 19, sa 24 Oras.
Kasama ni Kazel ang co-star na si Kylie Padilla para i-promote ang kanilang afternoon soap na My Father's Wife na ipapalabas na simula June 23, pagkatapos ng It's Showtime.
Dito, ibinahagi ni Kazel ang role niya sa GMA Drama series na idinirehe ni Aya Topacio.
“'Yung social status kasi is ano talaga siya e, she grew up with nothing,” paglalarawan niya sa role niya na si Betsy.
“So she's very desperate to change her circumstances, she really had to look kung ano ba sa buhay ko most desperate about. Siyempre, 'yung mga personal na wala tayo sa buhay, alam mo 'yun, I really want this, for example, ako I really want peace of mind.”
Nagkuwento rin si Kazel tungkol sa kanyang biological father. “Growing up, since never ko naman siya na-meet, I never really had a longing.”
Bagama't hindi nakilala ang kanyang ama, naging kaakibat sa pagpapalaki naman kay Kazel ang kanyang Lola Pacita na 100 years old na.
Naging emosyonal pa ang Sparkle talent nang magbigay ng mensahe para sa kanyang lola.
“I want her to live longer and sana napi-feel lang niya how loved she is.”
“Yung message ko lang, siyempre I want to say thank you. Ayun, I love her and I am who I am today because of her.”
Source: 24 Oras
RELATED CONTENT: Who is Kazel Kinouchi?