GMA Logo Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman
Courtesy: GMA Public Affairs, Unang Hirit
What's Hot

Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman, nag-road trip mula Bahay Ni Kuya papuntang GMA

By EJ Chua
Published June 23, 2025 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata, Klarisse De Guzman


Kinagiliwan ang bonding ng ex-PBB housemates na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.

Good vibes ang hatid nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman sa Filipino viewers at kanilang fans ngayong Lunes ng umaga, June 23.

Bago ang kanilang guesting sa GMA morning show na Unang Hirit, nagmala-habal habal rider si Shuvee at game na game niyang sinundo si Klarisse sa Bahay Ni Kuya gamit ang isang motorsiklo.

Pagdating nila sa GMA Network Center, bumungad sa Kapamilya star ang pa-warm welcome ng Unang Hirit sa kanya.

Masayang sinalubong ng fans ang dalawang ex-Pinoy Big Brother housemates na kilala bilang ShuKla (Shuvee at Klarisse).

Sa pagbisita sa Unang Hirit studio ng Kwela Soul Diva ng Antipolo kasama ang Island Ate ng Cebu, nakipagkwentuhan at nakipag bonding sila kay Shaira Diaz at iba pang miyembro ng UH Barkada.

Sila ang latest evictees sa hit GMA and ABS-CBN collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

*Related gallery: The stunning looks of #IslandGirl Shuvee Etrata

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.