
Mas lalong sumaya ang basaan sa San Juan nang dumating na ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig, na si Kelvin Miranda!
Kasama ang Unang Hirit, nakisaya ang Kapuso actor sa makulay na pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival. Bitbit ang kanyang Sang'gre energy, game na game si Kelvin na makisali sa basaan kasama ang Kapuso fans.
"Ang mga hinanda ko lang talaga ngayon is maki[pag]basaan dito!" masayang bati ni Kelvin.
Hindi lang simpleng basaan ang nangyari, sumabak din si Kelvin sa water games kasama ang Unang Hirit hosts na sina Anjo Pertierra at Cheska Fausto.
Kasama ang masisiglang mommies ng San Juan, nagtuos ang Team Kelvin at Team Anjoy sa pasahan ng tubig gamit ang batya.
Sa huli, nanaig ang Team Kelvin, na mas mabilis tumakbo at nakatapos ng challenge!
Bukod sa palaro, game ding nakisaya si Kelvin sa basaan gamit ang water guns, at todo tawa't talon sa gitna ng kasiyahan kasama ang fans.
Kagabi (June 23), tuluyan nang ipinakilala si Kelvin Miranda bilang Sang'gre Adamus, kasama si Faith Da Silva bilang Flamarra!
Maraming fans ang napabilib sa unang onscreen appearance ng Kapuso stars bilang makapangyarihang Sang'gres.
Partikular na pinusuan ng netizens ang powerful presence ni Kelvin bilang Adamus, na ayon sa kanila ay bagay sa kanyang intense at mysterious aura.
"Since kagabi 'yung first appearance ko sa Encantadia, abangan n'yo pa 'yung mga susunod na mangyayari," ani Kelvin.
"Naku, kaabanng-abang kung talaga bang naglalaban ba ang mga Sang'gre laban sa Sang'gre o naghahanda lamang sila para sa isang malaking pakikipaglaban."
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, tingnan ang "handsome and stylish" photos ni Kelvin Miranda sa gallery na ito: