
Hindi maiwasan ng aktor na si Josh Ford na maging emosyonal nang balikan niya ang rason kung bakit siya sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sinabi ni Josh na lumaban siya hindi lamang para sa kanyang yumaong ama dahil pati na rin sa mga kaibigan niyang namatay sa isang aksidenteng siya lang ang nakaligtas.
"Nandito pa rin ako, nakangiti pa rin sa harapan n'yo. I love you guys, and I hope proud kayo sa akin kahit hindi ako nanalo, kahit hindi ako naging big winner, gagalingan ko pa rin," emosyonal na pahayag ni Josh sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
"Smile lang kasi hindi mo alam kung ano mangyayari bukas, so be thankful, be thankful everyday.
"I love you guys, thank you for making me the person I am now."
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at social media platforms ng GMA at ABS-CBN.