
Viral online ang quick pero masayang reunion nina Michelle Dee at Klarisse De Guzman.
Matapos magkasama sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nagkita na sa outside world sina Michelle at Klarisse.
Tulad ng kulitan moments nila noon sa iconic house, punong-puno rin ng positive energy ang kanilang recent bonding.
Sa Instagram Stories, ibinida ni Klarisse ang photo nila ni Michelle kung saan, buhat-buhat siya ng huli.
Mapapanood naman sa Facebook page ng Star Magic na game na game silang sumayaw kasabay ng pagpapatugtog nila ng kanta ni Michelle na pinagamatang “Reyna.”
Courtesy: Star Music (FB)
Samantala, ang isa pang miyembro ng Dee-stiny's Child sa loob ng Bahay Ni Kuya ay si Esnyr, ang final duo ni Charlie Fleming.
Sina Charlie at Esnyr ang unang duo na napabilang sa Big 4 ni Big Brother, habang sina Klarisse at Michelle ay napanood noon sa hit collab ng GMA at ABS-CBN bilang housemate at houseguest.
Ang Kapuso housemate st Sparkle star na si Shuvee Etrata ang final duo ni Klarisse bago siya lumabas ng Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition