
Pinarangalan si Jillian Ward bilang Daytime Actress of the Year sa 53rd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box-Office Entertainment Awards 2025, na ginanap kagabi, June 28.
Ito ay para sa natatangi niyang pagganap sa GMA Afternoon Prime hit series na Abot-Kamay na Pangarap, kung saan gumanap siya bilang si Doc Analyn.
Katulad niya, ginawaran din ang kanyang co-star na si Richard Yap ng Daytime Actor of the Year award para sa kanyang pagganap bilang Dr. RJ sa parehong programa.
Tinanggap din ni Jillian ang Popular TV Program (Daytime Drama) award para sa Abot-Kamay na Pangarap sa ginanap na parangal kagabi.
Sa panayam ng Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ni Jillian na malaki ang pinagbago niya bilang aktres nang gampanan niya ang role ni Doc Analyn sa Abot-Kamay na Pangarap.
"Mas naging passionate ako sa trabaho ko," aniya.
Balikan dito ang kanyang panayam: