Panalo ang tinaguriang fighting congressman na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao kontra American boxer na si Chris Algieri sa Cotai Arena sa Macau ngayong Linggo ng hapon.
Wagi si Pacman via unanimous decision sa score na 119-103 119-103 120-102 para masungkit muli ang World Boxing Organization (WBO) welter weight championship.
Mainit ang naging palitan ng suntok ng dalawang boksingero pero ipinaradam ng People’s champ ang bagsik ng kanyang kamao matapos ma-knock down niya si Chris ng anim na beses.
Bagamat dehado si Manny sa kalaban niyang si Algieri na mas matangkad (5’10) at mas bata hindi naman umubra ito sa mga pinakawalang suntok ng eight time world division champion.
Sa panayam kay Manny matapos ang laban na maganda ang ipinakita niya sa sagupaan nila ni Algieri at satisfied daw siya sa kanyang performance.
“Tonight I did my best. I’m satisfied with my performance…I'm looking for a knockout, but he's fast, he's moving."
Handa din daw siya labanan ang 2013 Fighter of The Year na si Floyd Mayweather Jr. na may 47-0 record.
“I think I’m ready to fight. I’m ready to fight next year.”
Nabigo man, puring-puri ni Algieri ang galing at husay ng pambansang kamao. Sa kanyang interbyu matapos matikman ang una niyang pagkatalo, sinabi nito na pinakamagaling na boksingero si Pacquiao sa buong mundo.
Aniya, "It's not so much the punching power, to tell you the truth. It's how he mixes his punches up. Manny is the best in the world at fighting."
Dagdag niya, "He has a very, very distinct and unique style that he's perfected for what works specifically for his body type and his style and what works for him. He's got so much experience."
Ilan sa mga personalidad na nanood sa Macau ang mga sikat na Hollywood stars tulad nila Terminator star Arnold Schwarzenegger at si Sylvester Stallone na bumisita pa sa mga locker room nila Pacquiao at Algieri bago magsimula ang laban.
Malacañang elated over Pacman’s victory
Pinuri naman ng Malacañang ang tagumpay ni Manny. Ayon sa pahayag ni Presidential Communications secretary Sonny Coloma, “Buong husay ang ipinakitang lakas, bilis at tapang ni Pacquiao hindi umaatras sa panganib. Tunay siyang huwaran at inspirasyon sa sambayanang Pilipino”.
Panalo din ang isa pang Pinoy boxer sa undercard match matapos talunin ni Jerwin Ancajas si Fadhili Majiha ng Tanzania sa third round.