Kilalanin ang back-to-back hip hop champion na Boyz Unlimited mamayang gabi sa 'Bet ng Bayan.'
By AEDRIANNE ACAR
Ngayong Huwebes, tapatan na ng pinakamagagaling sa Luzon pagdating sa sayawan. It’s Boyz Unlimited vs. UNEP Dance Club!
Una nating makikilala ang Pangasinan dance group na Boyz Unlimited. Matapos manalo sa Bet ng Bayan ay naging local celebrity ang grupo.
Hinirang na back-to-back champion sa isang hip hop competition sa Australia, magkukuwento ang mga miyembro nito ng mga pagsubok na kanilang hinarap sa international competition.
Kampihan na mga Kapuso! Sino kaya sa mga bet niyo ang magwawagi?
Tutukan ang Bet ng Bayan pagkatapos ng Hiram na Alaala sa GMA Telebabad at ang Bet ng Bayan Luzon Semi-Final showdown sa Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.