What's Hot

'Bibili lang po ako minsan sa mall. May taong nagsabi sa ‘kin, parang namumukhaan kita, ikaw ba 'yung sa Yagit?'– Judie dela Cruz

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 11, 2020 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki na ang pinagbago ng buhay ng Kapuso child star na si Judie dela Cruz dahil sa 'Yagit.'
By AL KENDRICK NOGUERA

 
Dalawang buwan na ang nakararaan mula nang ipalabas ang Yagit. Ayon kay Judie dela Cruz na gumaganap bilang Jocelyn, malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang buhay.
 
Bukod sa tulong pinansyal, naninibago si Judie dahil kahit saan daw siya magpunta ay mayroong nakakakilala sa kanya.
 
“Ngayon po kapag lumalabas po ako ng bahay po namin, tinatawag nila akong Yagit. 'Yung pangalan ko na nga po Yagit na eh. Doon na po ako nila kilala,” pahayag ni Judie.
 
Nasa adjustment stage pa rin daw si Judie bilang artista kaya’t hindi niya akalain na marami na ang bumabati sa kanya. Aniya, “Nagha-hi po ako sa kanila. Minsan po [ay] nagpapa-picture po sila sa 'kin.”
 
Ang labis na ikinatuwa ni Judie ay nang mayroong nakakilala sa kanya sa isang mall. Ikinuwento sa amin ng child star ang pangyayaring ito.
 
“Bibili lang po ako minsan sa mall. May taong nagsabi sa ‘kin, 'Parang namumukhaan kita, ikaw ba 'yung sa Yagit?' [Sabi ko] 'Opo, nanonood po ba kayo noon?' Sabi niya, 'Oo naman, araw-araw kaya kitang pinapanood',” bahagi ni Judie.
 
Ngayon napatunayan ni Judie na marami ang nanonood ng Afternoon Prime soap. Saad niya, “Nagugulat po ako kasi ibig sabihin nanonood talaga sila ng Yagit kasi kilala nila ako eh. Sobrang saya ko rin po.”