IN PHOTOS: Dingdong Dantes's most remarkable roles on TV

Sa mahigit dalawang dekada ni Dingdong Dantes sa GMA Network, marami na rin siyang nagawang mga teleserye na tumatak sa puso't isipan ng mga Pilipino.
Mula sa kanyang supporting role bilang si Iñaki sa youth-oriented program na 'T.G.I.S.' hanggang sa pagganap sa contrasting dual role na Nate at Michael sa 'I Can See You: AlterNate,' maraming mga Pinoy at artista na ang humanga sa angking galing ni Dingdong na magbigay-buhay sa iba't ibang role sa telebisyon.
Sa gallery na ito, nilista namin ang mga pinakatumatak na pagganap ni Dingdong Dantes na lubos na nagpakilala sa kanya bilang Kapuso Primetime King.
















