What's Hot

Katrina is ready to reclaim her throne!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 11:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Hot momma Katrina is set for a sizzling comeback. 
By AEDRIANNE ACAR

 
Handa na daw bumalik sa pagpapa-sexy ang Kapuso mom at Starstruck alumna na si Katrina Halili.
 
Recently, sunod-sunod ang mga sexy projects ng ibang celebrity moms tulad nila Jennylyn Mercado at LJ Reyes. Napili si Jennylyn na maging 2015 calendar girl ng isang liquor brand, at si LJ naman ay nag-topless sa isang men’s magazine.
 
Sa panayam ng 24 Oras sa back-to-back Sexiest Woman in the World (2006 & 2007), inamin ni Katrina na muntik na daw siyang mag back out sa ginagawa niyang sexy photo shoot.
 
Aniya, “Ayoko na sana kasi nga parang hindi pa ako payat. Sabi ko ayoko mag-shoot kung hindi ako confident.”
 
Itinanggi din ng sexy mom na kaya siya bumalik sa pag-po-pose ng sexy ay dahil sa break-up niya with Kapuso singer Kris Lawrence.
 
Dagdag niya wala daw masama sa ginawa niya lalo na ngayon confident siya to show her hot and sexy body.
 
“Wala ako ano kasi alam ko naman kung ano ‘yung totoo and wala! Ine-enjoy ko lang ‘yung work ko and sa tingin ko naman hindi naman masama ‘yung ginagawa ko.”
 
“Ang sarap ng feeling na confident ka and siyempre siguro nung nanganak din ako parang nawala ‘yung confidence ko; siyempre tumaba ako.”
 
Sa katunayan, maganda daw ang relasyon niya with her ex-beau at kahit out of the country si Kris, ay lagi daw nitong kinakamusta ang baby nila na si Katrence.
 
“Okay naman kami. Friends kami. 'Yun out of the country nga siya tapos tumatawag siya sa phone ko para makausap niya si Katy.”