
Ni-relaunch ni veteran actress Jean Garcia ang kanyang YouTube channel nito lang September.
Paraan daw ito para maging mas malapit sa kanyang mga fans at mga manonood si Jean na kilala sa kanyang mga kontrabida roles.
"For over 40 years, you've always known me to be a Kontrabida. Now, I'm letting you in on my life and adventures. 🌟💫✨," sulat niya sa kanyang Instagram account.
"I'm happy to share the relaunch of my YouTube channel. ⭐️ Like, Share and Subscribe: youtube.com/@jeantvph," pagpapatuloy niya.
Kasabay nito, sinimulan din ni Jean ang isang travel series na pinamagatang Road Trip, Food Trip.
Makakasama niya rito ang mga anak na sina Jennica Garcia, Kotaro Shimizu, at young Sparkle star na si Aidan Veneracion.
Sa unang episode nito, bumisita si Jean sa Pampanga, ang kanyang hometown.
Nag-enjoy siyang kumain ng masasarap na atis, at natutong gumawa ng kakaibang frog dish mula sa isang sikat na kainan doon.
Sa upcoming second episode naman ng serye, nasa Pampanga pa rin si Jean, partikular sa Bacolor, kung saan masusubukan niyang gumawa at magbalot ng iba't ibang uri ng kakanin.
Naging bahagi si Jean ng hit Netflix original movie na Kontrabida Academy.
Ni-reprise din niya ang kanyang kontrabida role sa pangalawang season ng 2022's most-watched TV show na Lolong.