TINGNAN: Kapuso stars na mapapanood n'yo sa Netflix

Padami pa nang padami ang mga pelikula't teleseryeng Pilipino na mapapanood sa streaming service na Netflix at ilan sa mga ito ay pinagbibidahan ng inyong mga paboritong Kapuso stars!
Mula sa hanay ng mga patok na pelikula ni Paolo Contis hanggang sa sikat na BL series nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, tiyak na makapaghahatid ng saya at aliw ang mga ito sa inyong mga pamilya lalo na sa panahon ng pandemya.
Kabilang na rin sa listahan ang ilang mga seryeng handog ng GMA tulad ng 'Owe My Love' na pinagbidahan ni Benjamin Alves at 'Love of My Life' kasama si Coney Reyes, Mikael Daez at Rhian Ramos.
At siyempre, hindi naman magpapahuli ang mga nakakakilig na pelikula mula sa paborito niyong real-and-reel love teams na TomCar at DongYan.
Romance man o horror ang hanap niyo, sagot ng mga Kapuso stars ang 'Netflix and chill' time niyo!




























