What's Hot

‘Fairy Tail Season 3’ at ‘Slam Dunk’ ngayong January na sa GMA

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina nurse killed in tragic accident outside Sacramento VA Medical Center
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Narito na ang pangatlong season ng kinasasabikang action-adventure anime na Fairy Tail.
By MARAH RUIZ
 
Dahil Bagong Taon, may bago ring hatid ang GMA Astig Authority para sa inyo!
Narito na ang pangatlong season ng kinasasabikang action-adventure anime na Fairy Tail.

Tuloy pa rin ang mga pakikipagsapalaran ng mga manggagaway na sina Lucy Heartfilia at Natsu Dragneel kasama ang guild nilang Fairy Tail.

Sa season na ito, aatakihin sila ng guild na Grimoire Heart habang kumukuha ng kanilang S-Class ba pagsusulit sa sa Sirius Island. Ano ba ang balak ng guild na ito? Makaligtas kaya ang ating mga bida?

Samantala, nagbabalik naman ang isang basketball anime na dati nang kinagiliwan ng nakararami, ang Slam Dunk!

Samahan ulit si Hanamichi Sakuragi sa makulay niyang high school life. Tunghayan muli ang pagbabago niya mula sa pagiging basag-ulo at sa pagpapa-impress niya sa crush niyang si Haruko, hanggang sa pagiging seryosong basketball player.

Panoorin ang Season 3 ng Fairy Tail, simula January 5, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ghostfighter at pati na rin ang Slam Dunk, simula January 6, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Hunter X Hunter, dito lamang sa GMA.