GMA Logo Encantadia Sanggres Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza De Castro, and Sanya Lopez
Photo by: GMA Playlist
What's Hot

Throwback performance ng 2016 Sang'gres sa kantang 'Ngayong Pasko', pinusuan ng fans

By Aimee Anoc
Published December 4, 2025 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amang street vendor na viral dahil sa pagbebenta ng makukulay na ‘scrunchies,’ napagtapos ang 6 na anak
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras
GMA Network radio stations reaffirm leadership in Mega Manila for Feb. 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Sanggres Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza De Castro, and Sanya Lopez


Muling panoorin ang live performance nina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza De Castro, at Sanya Lopez sa kanilang Christmas song na "Ngayong Pasko" rito.

Pinusuan ng fans ang throwback live performance ng 2016 Sang'gres na sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza De Castro, at Sanya Lopez sa kanilang Christmas song na "Ngayong Pasko," na inilabas siyam na taon na ang nakalilipas.

Sa pagsisimula ng Disyembre, muling pinost ng GMA Playlist ang heartwarming performance na ito nina Gabbi, Kylie, Glaiza, at Sanya, kung saan marami ang natuwa na muling makitang magkakasamang kumanta ang apat ng Sang'gre.


Komento ng isang netizen, "Sarap pakinggan... Thank you, Sang'gre. Nakalma ang puso ko."

Kasalukuyang mayroong mahigit 131,500 views sa Facebook ang throwback performance na ito nina Gabbi, Kylie, Glaiza, at Sanya. Ang "Ngayong Pasko" ay composed ni Len Calvo under GMA Playlist.

Samantala, abangan sina Glaiza, Sanya, at Gabbi sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, Lunes hanggang Biyernes, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Maaaring iboto ang Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang Kapuso Primetime Drama Series of the Year sa GMANetwork.com Awards 2025. Cast your votes below.