MUST-SEE: Online reunions ng showbiz groups at programs ngayong quarantine

Pinapairal man ang physical distancing, naging daan ang quarantine upang muling magsama-sama ang ating mga paboritong artista sa pamamagitan ng virtual reunions.
Gawa ng COVID-19 crisis, natigil ang regular programming sa TV. Nabago rin ang activities ng dating mga napaka-busy na celebrities.
Kasabay nito ang pag-a-adjust sa new normal at ang pagkauso ng video conferencing. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mga artista na mag-reconnect. Muli nilang nakausap at nakapiling ang kanilang mga dating kagrupo o kasamahan sa programa bagama't online.
Kabilang sa mga nag-online reunion ay ang stars ng T.G.I.S., That's Entertainment, at pati na ang SexBomb Girls.
Na-miss n'yo ba sila? Silipin ang gallery na ito at alamin kung saan maaaring mapanood ang kanilang virtual get-togethers!








