Article Inside Page
Showbiz News
What kind of crazy things? The Australian beauty spills the beans.
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Pantasiya ng bayan maituturing ang Australian beauty na si
Natalia Moon. Matapos makilala bilang isang YouTube star at ma-feature sa isang men’s magazine.
Namamayagpag naman siya bilang isa sa pinaka promising na comedienne sa Sunday night program na
Ismol Family bilang matakaw na kasambahay nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.
Kuwento ni Natalia sa exclusive interview ng GMANetwork.com, masaya raw siya na nabigyan ng oportunidad umarte sa Ismol dahil nagagawa niyang mag-play ng karakter na malayo sa tunay niyang pagkatao.
“It’s a different character than what I played before kasi ibang show ‘yung character ko dun. Very shy and sweet ganyan. So dito sa Ismol sobrang saya kasi I’m like, 'Yes I get to be rude [laughs].'”
Dagdag pa ni Natalia, sa tulong daw ng director nila na si Dominic Zapata ay nadiskubre niya ang kanyang comedic side.
Ani Natalia, “It’s kulet, especially with Direk. He let’s me do crazy things and eat like that. Obviously, I don’t eat like that in real life if you didn’t know. I think I discovered a different comedy side of myself.”
With such a sexy and hot body tinanong din namin ang foreign comedienne kung ano para sa kanya ang ibig sabihin ng salitang ‘sexy’?
“Sexy 'di ba Natalia. No! Joke! [laughs] Joke, joke. Sa akin siyempre sexy ang pagiging confident at totoong tao sa sarili ko.”