GMA Logo Alden Richards
Photo source: 24 Oras, aldenrichards02 (IG)
What's Hot

Alden Richards, excited nang makalipat sa ipinapagawang bahay

By Karen Juliane Crucillo
Published January 29, 2026 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bianca, Kelvin, Faith, at Angel, ibinahagi kung paano hinarap ang mga kritisismo
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Looking forward si Alden Richards na makalipat sa kanyang ipinapagawang bahay.

Isa sa mga proud achievements ni Alden Richards ang makapagpatayo ng bagong bahay noong 2025.

Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Martes, January 27, ibinahagi ni Alden na excited na siyang makalipat sa bago niyang tahanan sa March.

“Nag-start din kasi ako late last year, mga quarter four for the construction. And right now, nakikita kita naman nila rin 'yung snippets na I've been reposting the progress of my house. So, I'm very excited,” pahayag ni Alden.

Nagsilbing motivation daw para kay Alden ang pagpapagawa ng kanyang bagong bahay upang mas magpursigi sa trabaho.

“Something to look forward to at the same time, parang isa rin 'yun sa mga reward ko sa sarili ko with all the hardwork that I've done in the past years,” sabi ng aktor.

Maliban sa kanyang ipinapagawang bahay, pinagkakaabalahan din ni Alden ang kanyang sasalihang long-distance triathlon race sa Davao City sa March.

Makakasama ni Alden ang content creators na sina Nico Bolzico at Will Dasovich sa Team Relay. Si Will ang nakatalaga sa swimming, si Nico sa running, at si Alden naman sa cycling leg.creators na sina Nico Bolzico at Will Dasovich

Samantala, mapapanood muli si Alden bilang host sa Stars on the Floor 2026.

Abangan ang Stars on the Floor 2026 sa February 15 sa GMA.

Panoorin ang buong balita dito:


RELATED GALLERY: Celebrities building their new homes in 2024