GMA Logo Huwag Kang Titingin
What's Hot

'Huwag Kang Titingin,' may pasilip sa mga nakakakilabot na eksena

By Kristine Kang
Published February 13, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Streaming boosts global music revenues once again in 2025, report shows
Iloilo reaps medals as WVRAA Meet 2026 kicks off
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Huwag Kang Titingin


Abangan ang 'Huwag Kang Titingin' official teaser mamaya!

Humanda nang kabahan dahil parating na ang sumpang magbabaliktad sa lahat.

Kamakailan ay ibinahagi ng GMA Pictures at Mentorque Productions ang ilang sneak peeks ng mga nakakakilabot na eksena mula sa upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.

Sa tatlong larawan pa lamang, agad na nitong pinatindig ang balahibo ng netizens at nag-iwan ng matinding kilabot online.

Kasama sa mga eksena ang ilan sa mga bida ng pelikula, kabilang sina Sofia Pablo, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Charlie Fleming, at Anthony Constantino. Dapat din abangan ang iba pang cast na sina Allen Ansay, Kira Balinger, at Shuvee Etrata.

Mapapanood ang official teaser ng Huwag Kang Titingin mamaya sa official pages ng GMA Network, GMA Pictures, at Mentorque Productions.

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Abangan ang nakakakilabot na horror experience ng Huwag Kang Titingin, coming soon sa mga sinehan.

Ito ay idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays De Guzman.

Samantala, silipin ang 'Huwag Kang Titingin' storycon sa gallery na ito: