GMA Logo Caprice Cayetano
Source: capcaprice IG
What's Hot

Caprice Cayetano opens up on life after her journey in PBB

By EJ Chua
Published April 17, 2026 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AZ Martinez, Kira Balinger tapped as Bida sa Arena muses
Miss Universe PH delegates stun in their Miss Photogenic shots
GMA Pictures finds Ella Arcangel voice talent, teases netizens to guess who it is

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


Ano nga kaya ang nagbago sa buhay ng 'PBB Celebrity Collab 2.0' Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano ngayong nasa outside world na siya? Alamin dito.

Abala sa kabi-kabilang guestings sa outside world ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 Kapuso Big Winner na si Caprice Cayetano.

Sa naging panayam ng GMA Pinoy TV kay Caprice, inilahad niya kung ano ang mga naging pagbabago matapos niyang manalo sa latest edition ng teleserye ng totoong buhay.

Para sa Sparkle star, nananatili siya bilang si Caprice na nakilala ng mga manonood at fans mula noong siya ay child star pa.

Binanggit din niya na ang mga nagbago sa kanyang buhay after ng journey niya sa Bahay ni Kuya ay puro positibong bagay at hindi maikakaila na thankful siya sa mga ito.

Pahayag ni Caprice, “Ako pa rin naman po ito. Mas nagiging confident at dumami po 'yung mga nagmamahal sa akin.”

A post shared by GMA Pinoy TV (@gmapinoytv)

Source: GMA Pinoy TV

Samantala, natupad na ni Caprice ang isa sa kanyang goals—ang makapag-donate sa charity —at dito ay buong puso niyang inilaan ang ilang parte ng kanyang winning prize bilang Kapuso Big Winner.

Si Caprice ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 bilang Demure Daughter ng Quezon City.

*Related gallery: Silipin ang stunning looks ng PBB housemate na si Caprice Cayetano