GMA Logo Max Collins and Vanessa Pulgarin
Source: maxcollinsofficial (IG) , meetkeso (IG) missgrandinternational(IG) & vanepulgarin (IG)
What's Hot

Wagi pa rin: Pagkakahawig nina Max Collins at Vanessa Pulgarin, kinaaliwan ng netizens

By Aedrianne Acar
Published June 1, 2026 7:17 PM PHT
Updated June 2, 2026 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

One Western Visayas: June 24, 2026 [HD]
Coach Chot Reyes, sinabing matagal nang ginagawa ang beach training; nanawagang itigil ang espekulasyon
Tablea chocolate, sago't gulaman-inspired cocktails for the rainy season

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins and Vanessa Pulgarin


Max Collins, lumaban din sa MGI All Stars sa Thailand? Alamin kung bakit nag-viral ang 'The Master Cutter' actress DITO.

Hindi lang ang pagkapanalo ni Vanessa Pulgarin ng Colombia ang hot topic ng Pinoy pageant fans sa katatapos lamang na Miss Grand International All Stars (MGI All Stars).

RELATED CONTENT: The jaw-dropping bikini looks of celebrity mom Max Collins

Marami kasi ang nakapansin na 'tila dalawa ang pambato ng Pilipinas sa Top Five. Bukod daw kasi sa Sparkle beauty queen na si Gazini Ganados, bumuhos ang komento online na malaki ang pagkakahawig ni Max Collins kay Vanessa.

A post shared by 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 (@missgrandinternational)

Kaya naman nang itinanghal ang Colombian beauty queen bilang winner, sunod-sunod ang hirit ng mga Pinoy netizens na 'panalo pa rin daw ang Pilipinas.'

Post sa X ng isang netizen, “Panalo pa rin ang Pilipinas, si Max Collins ang nakoronahan isang Mabuhay Pilipinas! nga dyan Ms. Vanessa”

Aliw na aliw naman ang The Master Cutter actress sa dami nang nag-congratulate sa kaniya at tinag siya sa pagkapanalo ni Vanessa Pulgarin.

Sabi niya sa Instagram Story, “Sa dami ng bumati sakin this morning, had to say thank you.”

Source: maxcollinsofficial (IG)

RELATED CONTENT: These photos prove Max Collins and Vanessa Pulgarin could pass as
twins