IN PHOTOS: Ang mga karakter ng 'Fates and Furies'

GMA Logo Fates and Furies

Photo Inside Page


Photos

Fates and Furies



Kuwento ng matatayog na ambisyon ang hatid ng South Korean romance drama na 'Fates and Furies.'

Sa unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa taong 2021, pasukin ang mundo ng high-end, branded shoes, pati na ang mga buhay ng mga taong nakasuot nito.

Nagmana ng isang pagawaan ng pekeng sapatos si Hera mula sa knayang ama.

Mula nang mamatay ito, lubog na si Hera at ang shop sa utang at lagi pang hinahabol ng mga loan shark. Kasalukuyan pang nasa ospital at comatose ang kanyang kapatid.

Kailangan ng pera ni Hera para mabayaran ang mga utang na iniwan ng ama at patuloy na tustusan ang gastusin sa ospital.

Bukod dito, nangangarap din siyang iahon ang shop nang maging lehitimo itong brand ng sapatos.

Makakakuha naman siya ng pambihirang pagkakataon sa katauhan ni Theo na magbibigay sa kanya ng isang misyon kapalit ng malaking halaga.

Ang kailangan lang gawin ni Hera ay mapaibig si Gino, bahagi ng pamilya ng may ari ng Gold Group, isang tanyag na brand ng mga sapatos.

Dati kasing kasintahan ni Theo ang fiancee ni Gino na si Suzy, isang reporter at galing din sa isang marangyang pamilya.

Ipinagkasundo kasi sina Gino at Suzy ng kanilang mga pamilya para palakasin ang kanilang mga negosyo.

Si South Korean actress Lee Min-jung ang gaganap bilang Hera.

Makakapares niya sa serye si Joo Sang-wook, na gaganap naman bilang Gino. Minsan na siyang napanood ng mga Pinoy K-drama fans sa romantic comedy series na 'Birth of a Beauty.'

Si Lee Ki-woo naman ang gaganap bilang Theo, habang si So E-hyun ay si Suzy.

Abangan ang kanilang kuwento sa romance drama series na 'Fates and Furies,' ang unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa 2021.

Samantala, mas kilalanin pa ang mga karakter ng 'Fates and Furies' sa gallery na ito.


Fates and Furies
Hera
Gino
Suzy
Theo
2021

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE