IN PHOTOS: Kapuso love teams na nagpakilig this 2020

GMA Logo Kapuso love teams who bring kilig this 2020

Photo Inside Page


Photos

Kapuso love teams who bring kilig this 2020



Ngayong 2020, patuloy pa rin ang pagbibigay ng kilig ng ating mga paboritong Kapuso love teams na tampok sa minahal nating GMA programs.

Kabilang riyan ang tambalan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, at Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smtih sa 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)' kahit may kanya-kanya silang partners in real life.

Lalo pang na-hook ang mga Kapusong #TeamBahay ngayong panahon ng COVID-19 quarantine sa kuwento ng 'Prima Donnas' dahil kina Lilian at Jaime, na ginagampanan nina Katrina Halili at Wendell Ramos, at Donna Marie at Cedric, na ginagampanan nina Jillian Ward at Vince Crisostomo.

Wala man love team sa 'Prima Donnas,' patuloy naman ang pagbibigay-good ng vibes ni Althea Ablan sa kapwa niya Gen Z. Patok online ang kanyang vlogs kasama ang kanyang love team na si Bruce Roeland.

Malaki rin ang potensyal ng love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay na binansagang Team Jolly ng kanilang fans.

Hindi man sila love team sa telebisyon dama naman ng Kapuso viewers ang chemistry ng 'The Clash' Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kapag sila ay nagpe-perform na on stage at sa TikTok.

At sino ba man ang hindi kikiligin sa tambalang Ken Chan at Rita Daniela? 2018 pa lang ay napatunayan na ang chemistry ng dalawa sa hit afternoon series na 'My Special Tatay' kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit patuloy na tinatangkilik ng fans ang kanilang love team hanggang ngayong 2020.

Online man o TV, never namang nahiya magpakita ng sweetness ang 'Magkaagaw' lead stars nina Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Ganito rin ang first-time Kapuso love team na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos na sweet na sweet behind-the-scenes ng kanilang upcoming series na 'The Lost Recipe.'


Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado
Rocco Nacino and Jasmine Curtis-Smith
Katrina Halili and Wendell Ramos
Jillian Ward and Vince Crisostomo
Sofia Pablo and Allen Ansay
Althea Ablan and Bruce Roeland
Julie Anne San Jose and Rayver Cruz
Ken Chan and Rita Daniela
Jeric Gonzales and Klea Pineda
Kelvin Miranda and Mikee Quintos

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ