LOOK Kilalanin si Alexandra Abdon, Miss Manila 2020

Tapos na ang Miss Universe Philippines 2020 pero patuloy pa ring gumagawa ng ingay ang pangalan ni Miss Manila Alexandra Abdon.
Sino nga ba siya at bakit ilang ulit nang nagiging trending ang pangalan ng 25 anyos dalaga.
Si Alexandra ay mula sa Sampaloc, Manila. Nagtatrabaho siya sa isang business process outsourcing (BPO) company.
May pagkakataon din na hinahawakan niya bilang marketing head at creative director ang isang franchising company.
Unang sumabak sa pageantry si Alexandra noong 2015, sa Miss Global Philippines 2015. Sunod siyang sumali sa Miss Earth Philippines 2016 at Mutya ng Phlippines 2018.
Ang Miss Universe and ika-lima at huling pageant na sasalihan ni Alexandra ayon sa kanya. "Masaya ako na yung pageant journey ko natapos sa Miss Universe Philippines."
Higit pang kilalanin si Miss Manila Alexandra Abdon sa gallery na ito.












