IN PHOTOS: Ang mga karakter sa 'Boys Over Flowers'

GMA Logo Boys Over Flowers

Photo Inside Page


Photos

Boys Over Flowers



Inihahandog ng GMA Heart of Asia sa taong 2021 ang award-winning 2009 South Korean drama na 'Boys Over Flowers.'

Kuwento ito ng isang charming at palaban na high school student na nakadaupang-palad ang apat sa pinakamayayamang estudyante ng isang popular at prestihiyosong eskwelahan.

Tampok dito ang pinakamalalaking pangalan sa South Korea - sina Lee Min-ho, Kim Hyung Joong, Kim Bum, Kim Joon, at Ku Hye Sun.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala ni Geum Jan-di (Ku Hye Sun), na mula sa payak na pamilyang nagmamay-ari ng dry cleaning store, ang infamous group na binubuo nina Gu Jun-pyo (Lee Min-ho), Yoon Ji-hu (Kim Hyung Joong), So Yi-jung (Kim Bum) and Song Woo-Bin (Kim Joon) o mas kilala sa tawag na F4.

Dahil sa kanyang katapangan, nakapasok siya sa tanyag na Shin Hwa High School na tanging mayayaman lamang ang nakapag-aaral.

Sa kasamaang-palad ay na-offend niya ang leader ng F4 na si Gu Jun-pyo. Dahil dito, siya na ang magiging tampulan ng iba't ibang pranks at pambu-bully ng grupo.

Pero hindi nagpatinag si Geum Jan-di sa pagpapahirap ng grupo sa kanya at mas lalo pa niyang nilakasan ang loob para kalabanin sila, lalo na si Jun-pyo.

Kinakitaan ni Jun-pyo si Jan-di ng kakaiba at natatanging ugali na hindi pa niya nakikita sa ibang babae kaya naman naging interesado siya rito.

Hindi niya namalayan na unti-unti na rin pa lang nahuhulog ang loob niya rito. Pero paano kung ang best friend niyang si Yoon Ji-hu ay lihim na may gusto rin pala kay Jan-di?

Sinong magwawagi sa puso ni Jan-di?

Abangan ang kanilang kuwento sa romantic-comedy series na 'Boys Over Flowers,' ang unang pasabog ng GMA Heart of Asia sa 2021.

Samantala, mas kilalanin pa ang mga karakter ng 'Boys Over Flowers' sa gallery na ito:


Lee Min-ho bilang si Gu Jun-pyo
Kim Hyung Joong bilang si Yoon Ji-hu
Kim Bum bilang si So Yi-jung
Kim Joon bilang si Song Woo-Bin
Ku Hye Sun bilang si Geum Jan-di
Kim So-eun bilang si Chu Ga-eul
Secret crush
Fall in love
Charming
Romantic comedy

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'