IN PHOTOS: Mga artista na dapat abangan sa 'Kapuso Countdown to 2021'

May health crisis man tayong kinakaharap ngayong 2020, tuloy pa rin ang masayang pagsalubong ng GMA sa Bagong Taon sa 'Kapuso Countdown to 2021: The GMA New Year Special.'
Samahan ang ilan sa pinakamalaki at pinakamakinang na mga bituin ng GMA sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Present sa celebration sina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Asia's Nightingale Lani Misalucha, Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose, at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.
Kasama rin sina Ken Chan, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Mark Herras, at Rochelle Pangilinan sa selebrasyon.
Bukod sa kanila, kilalanin pa ang ilan sa Kapuso stars na magbibigay aliw sa pagsalubong sa 2021.






















