GMA Logo Pokwang
PHOTO SOURCE: @901studiosph / @itspokwang27
What's Hot

Pokwang, bibida sa '2 Valid IDs' sa Cinemalaya 2026

By Maine Aquino
Published July 8, 2026 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: July 26, 2026
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Abangan si Pokwang bilang Sylvia sa pelikulang '2 Valid IDs' ngayong August 2026 sa Cinemalaya.

Mapapanood si Pokwang sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong 2026.

Ang aktres at host na si Marietta "Pokwang" Subong ay babalik sa pelikula bilang isa sa mga artistang bibida sa 2 Valid IDs.

Makakasama ni Pokwang sa pelikula sina Joey Marquez, Zaijian Jaranilla at Meryll Soriano. Ang 2 Valid IDs ay directed by Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, DGPI, at written by Abet Pagdagdagan Raz, FSG.

Samantala, sa Instagram story ni Pokwang, makikita ang kaniyang post tungkol sa pelikula.

A post shared by 901 Studios (@901studiosph)

PHOTO SOURCE: @itspokwang27

"Ako po si Marietta Subong bilang si Sylvia sa 2 Valid IDs ng Cinemalaya 2026.

Huling napanood sa Cinemalaya si Pokwang sa pelikulang Mercury is Mine noong 2016.

Abangan si Pokwang sa 2 Valid IDs sa August 2026.