#LugawIsEssential: Celebrities react to viral lugaw incident

GMA Logo Christian Bautisa, Ashley Rivera, at Jerald Napoles

Photo Inside Page


Photos

Christian Bautisa, Ashley Rivera, at Jerald Napoles



Hindi lang netizens ang sumakay sa mainit-init pang isyu ng viral lugaw incident dahil pati celebrities ay may kanya-kanya ring banat patungkol dito.

Isang video kasi ng Grab food rider ang kumalat sa social media kung saan pinagbabawalan siya ng mga barangay tanod na pumasok sa isang barangay sa Bulacan dahil ipinatutupad na ang curfew dito.

Mapanoood at mapakikinggan sa video ang naging argumento ng Grab food rider at ng isang babaeng tanod. Nakikiusap ang una na makapasok sa barangay para i-deliver ang order ng isang customer ngunit ayaw siyang payagan ng huli dahil hindi umano "essential good" ang lugaw.

Anito, mabubuhay daw ang tao nang walang lugaw hindi raw gaya ng tubig, gatas, at groceries. Giit ng rider, essential ang lugaw dahil pagkain ito.

Sa huli, ay ang rider din ang nagpakumbaba at hindi na itinuloy ang pag-deliver ng lugaw.

Mabilis namang kumalat ang video at marami ang tumuligsa sa babaeng tanod. Anang publiko, “lugaw is essential” dahil pagkain ito.

Narito ang mga opinyon, hirit, at pakulo ng celebrities tungkol sa lugaw incident:


Jerald Napoles
Christian Bautista
Ogie Alcasid
Chef Rosebud Benitez
Kiko Pangilinan
Cherry Malvar
Ashley Rivera
Arnold Clavio
Kris Bernal

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection