Triplets na iba-iba ang personalidad ang bibigyang-karakter nina Gabbi Garcia, Ash Ortega at Jazz Ocampo sa upcoming Sunday youth-oriented program na InstaDad. Ang tatlong Kapuso teen stars din ang binansagan ngayong Kapuso ‘It girls.’
Pahayag ni Ash sa 24 Oras, “Thank you sa pagtawag niyo sa amin ng ‘It girls.’ Hindi ko inexpect ‘yun ah pero I’m overwhelmed.”
“I’m overwhelmed. I mean to be called na ‘yung ganung title. Not everyone gets the pleasure po na matawag na ganun,” pagsang-ayon naman ni Gabbi.
Dugtong din ni Jazz, “Sana hindi lang sa kakikayan namin na gayahin kami ng mga bata, sana sa mga values namin.”
Kinamusta rin ni Lhar Santiago sa Unang Hirit ang working relationship nilang tatlo. May competition kaya sa pagitan nila?
“Actually, we’re here to work as a team kasi nga triplets kami. Of course on cam and off cam, we have to work our relationship kasi kung may tension sa aming tatlo, I’m sure magre-reflect po ‘yun on camera,” sagot ni Ash.
“Magkaka-age kami and we’re all girls. It was never an issue for us. In fact, mas naging advantage po ‘yun sa amin kasi we get to talk, we get to vent out,” saad ni Gabbi.
At dagdag ni Jazz, “We understand each other. ‘Yung interests parehas po.”
Nang tanungin naman sila kung sino ang Kapuso actor na gusto nilang makasama, iisa lang ang sagot nila kundi si Pari ‘Koy lead star Dingdong Dantes.