Article Inside Page
Showbiz News
Ina Raymundo reveals her secrets to staying fit in 'Tonight with Arnold Clavio.'
By BEA RODRIGUEZ
Dating sexy star at “Sabado Nights girl” Ina Raymundo ay mom of five na pero sexy pa rin pagkatapos ng dalawang dekada.
Ano kaya ang sikreto niya?
“Ang sikreto ko ay napakamadisiplinang buhay. I watch what I eat and I work out,” saad ng commercial model-turned-actress sa guesting niya sa Tonight With Arnold Clavio kamakailan lamang.
Nabanggit ni Arnold kay Ina backstage kung takot daw ba siya tumaba at kinumpirma naman ito ng mestiza beauty dahil conscious siya sa kanyang health at “bonus na lang na-maintain ang figure.”
“Gusto mo talagang maging healthy ka for your kids, 'di ba? Gusto mo 'yung pagtanda mo, hindi ka maging pabigat sa kanila [at] walang aches and pains. Kaya ngayon pa lang ay you do your best to take care of yourself,” saad ng Best Actress awardee.
Dagdag pa ng hot mom, “I eat a lil bit of everything” pero maliban na lang sa taba. Nag-zu-Zumba rin siya tatlong beses kada semana at nag-t-TRX para lumabas ang kanyang muscles.
“I do boxing also para walang loloko-loko sa akin,” pabirong pagsagot ni Ina sa tanong ni Arnold tungkol sa kanyang work out.
“Masipag ako mag-work out. Masarap kapag pinapawisan ka na,” ani Ina. Nakakatamad daw mag-work out pero nakaka-proud kapag tinuloy ang pag-ensayo at hindi pinangunahan ng katamaran.