Early last year pa nang pumutok ang balitang nanliligaw si Mark Herras kay Marian Rivera. Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for
t This was after Mark's split for the nth time with ex-girlfrend Jennylyn Mercado.
Gayunpaman, kung naging staple of showbiz talk shows ang pagliligawan nila na nauwi rin sa pagiging friends na lang nila, never naman silang nagkasama sa kahit anong regular show ng GMA-7 where they both belong.
"Isang Maynila episode lang po ang napagsamahan namin," sabi ni Mark sa post-movie dinner na ibinigay ng Regal Films sa Max SM Megamall kagabi, July 2, after the premiere of Tiyanaks.
Nagulat si Mark kung bakit namin siya tinanong kung ano ang napagsamahan nilang pelikula. Akala niya nga, binubuhay namin ang issue sa kanilang dalawa.
Hindi niya pala alam na magkakasama sila ni Marian sa Bahay Kubo, ang isa sa dalawang pelikula na ilalaban ng Regal Entertainment sa December 25 entries of the 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).
In fact, hindi niya alam kung ano ang next movie niya after Tiyanaks at kami lang ang nagsabi.
"Ganoon po ba? Wala pa kasing sinasabi si Nanay [Lolit Solit] sa akin kung ano ang next movie ko," sabi ni Mark.
Originally meant as their team-up ni Jennylyn, na-pullout ang young actress sa Bahay Kubo dahil siya ang magiging leading lady ni Bong Revilla sa entry naman nito na Resiklo. Si Marian ang pinalit kay Jennylyn sa Bahay Kubo, na pagbibidahan ni Maricel Soriano.
Natanong namin si Mark kung mabubuhay ba ang isyu sa kanila ni Marian once they start shooting. Hindi na raw siguro dahil, this time, pareho na silang busy so baka mawalan sila ng oras sa isa't isa.
Dalawa ang pelikulang gagawin ni Marian para sa MMFF, ang Bahay Kubo at Desperadas. Isa naman ang kay Mark, ang Bahay Kubo.
May apat na shows si Mark ngayon sa GMA-7: Mga Mata Ni Anghelita, Fantastic Man, Bubble Gang at SOP. Si Marian naman ay sisimulan na ang kanyang launching soap opera na Marimar. -- PEP (Philippine Entertainment Portal)