What's Hot

Misteryo at katatawanan sa 'Martin Mystery'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Attention mystery lovers, narito na naman ang isang cartoon series na kagigiliwan ninyo!
By MARAH RUIZ



Attention mystery lovers, narito na naman ang isang cartoon series na kagigiliwan ninyo!

Mas magiging astig ang inyong mga umaga kasama ang Martin Mystery.

Sa unang tingin, isang normal na high school student lang si Martin. Medyo immature siya at hyper pero maaasahan naman sa oras ng pangangailangan. Mahilig din siya sa kahit anong tungkol sa supernatural phenomena.

Kaya naman kinuha siya bilang agent ng Center, isang secret organization na nagtatanggol sa mundo laban sa mga elemento n ?a? supernatural!

Kasama niya sa kanyang mga missions ang kanyang stepsister at kapwa agent na si Diana. Siya ang pumipigil sa mga kalokohan ni Martin at nagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga imbestigasyon.

Tinutulungan din sila ni Java, isang 200,000 year-old caveman at ni Billy, isang alien na nagbibigay sa kanila ng impormasyon.

Samahan ang team nila sa iba't ibang mga adventures!

Tunghayan ang Martin Mystery, simula March 30, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng One Piece, sa pinaka astig na GMA Astig Authority!