Kasabay ng pagsikat ni Willie Revillame bilang game show host ay ang katagang “bigyan ng jacket ‘yan” at ito ngayon ay kabilang sa mga segments ng kanyang pagbabalik-telebisyon na programa, ang Wowowin.
Ayon kay Willie, may kalakip na sorpresa ang ilan sa mga jackets na kanyang ipamimigay. Kabilang sa maaaring mapanalunan ay isang milyong piso, brand new na sasakyan, at bahay at lupa.
Sa ulat ng Unang Hirit ay malapit na rin daw matapos ang studio ng Wowowin. Very hands-on daw si Willie at gabi-gabi niya itong iniinspeksyon. Ginagawa na rin daw ang ilang props para sa bagong programa.