IN PHOTOS: Meet the cast of Lakorn series 'Love Beyond Time'

Nagsimula na ngayong araw, November 8, na mapanood ang pinakabagong Lakorn series ng GMA, ang Love Beyond Time, na pinagbibidahan ng dalawa sa pinakasikat na bituin ng Thailand na sina Mario Maurer (Leonardo) at Davika Hoorne (Vanessa).
Ang Love Beyond Time ay iikot sa kwento ng pag-ibig nina Leonardo at Vanessa na nabubuhay sa magkaibang panahon.
Sa seryeng ito, muli nating mararamdaman ang saya, lungkot, at pag-asang hatid ng pag-ibig. Samahan sina Leonardo at Vanessa sa pagharap sa hamon ng panahon sa kanilang pag-iibigan.
Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Sara Legge (Rosemarie), Apo Nattawin Wattanagitiphat (Samuel), Prang Kannarun Wongkajornklai (Isabel), at Jason Young (Oscar).
Subaybayan ang Love Beyond Time, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.
Kilalanin ang cast ng Love Beyond Time sa gallery na ito:









