Article Inside Page
Showbiz News
Ayon sa mga alamat, may pitong Dragon Balls na nagkalat sa mundo, at ang sinumang makakahanap ng lahat ng ito ay mabibigyan ng isang hiling. Sino kaya ang makakakuha ng mga ito?
By MARAH RUIZ
Ayon sa mga alamat, may pitong Dragon Balls na nagkalat sa mundo, at ang sinumang makakahanap ng lahat ng ito ay mabibigyan ng isang hiling.
Kaya naman isa si King Gurume sa mga naghahanap nito. Isinumpa siyang makaramdam ng walang katapusang gutom dahil na din sa kanyang kasakiman. Nais niyang hilingin na mapawi na ang kanyang gutom kaya iniutos niya sa kanyang mga kawal na sina Pasta at Bongo na likumin ang mga Dragon Balls sa kahit anong paraan.
Samantala, napapabayaan na niya ang kanyang kaharian dahil sa kanyang pamamalakad. Maghahanap naman ng tulong ang isang batang babaeng si Penny para iligtas ang kanyang bayan mula sa sakim na hari.
Matatagpuan ni Penny si Goku, ngunit hindi pa ito ang Goku na malakas na mandirigma! Bata pa at napakapilyong Goku ang makikilala niya. Gayumpaman, nais pa din nitong tumulong sa kanya.
Marami pa silang ibang makikilala sa kanilang paglalakbay—kasama na dito sina Bulma, Oolong, Yamcha at Master Roshi. Magkakasama nilang hahanapin ang mga Dragon Balls para hilingin dito ang kaligtasan ng bayan ni Penny. Kailangan din nilang harapin ang mga sugo ni King Gurume na naghahanap din ng mga ito.
Mahanap kaya nila ang pitong Dragon Balls para masugpo ang kasakiman ni King Gurume?
Tungahayan ang unang handog ng
Dragon Ball Fight! Presents, ang “The Legend of Shenron”. Panoorin ang Part 1 sa April 11 pagkatapos ng
Cross Fight B-Daman at Part 2 sa April 12 pagkatapos ng
Tom and Jerry Kids Show, dito lang sa pinaka-astig at nangunguna sa mundo ng anime, GMA!