SNEAK PEEK: Marian Rivera at Dingdong Dantes, balik-primetime para sa 'Year of the Superhero' GMA year-end special

Matapos ang kanyang Miss Universe judging stint, may bagong sorpresa ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Ito ang muli nilang pagsasanib-puwersa ng kanyang asawa, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa GMA News and Public Affairs year-end special na 'Year of the Superhero.'
Muling mapapanood sa primetime ang Kapuso Power Couple para magbigay-pugay sa mga natatanging real-life superhero ng bansa ngayong taon. Sila ang itinuturing na modern-day heroes na nagpakita ng kabutihan at katatagan sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang kapwa sa gitna ng hamon ng COVID-19 pandemic.
Narito ang pasilip sa GMA News and Public Affairs year-end special na 'Year of the Superhero.'







