BEHIND THE SCENES: 'Kapuso Countdown 2022'

Exciting ang pagsalubong sa Bagong Taon ng GMA Network dahil sa ginanap na 'Kapuso Countdown 2022.'
Sa gabi ng December 31, nagsama-sama ang iba't ibang Kapuso stars sa isang masayang party para salubungin ang bagong taon.
Kasama sa gabing ito sina Alden Richards, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Christian Bautista.
Napanood rin sa 'Kapuso Countdown to 2022' sina Aicelle Santos, Rayver Cruz, Mark Herras, Rochelle Pangilinan, Rocco Nacino, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, at Miguel Tanfelix.
Nag-perform din sina Bianca Umali, Sanya Lopez, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara, Khalil Ramos, Ysabel Ortega, at Mavy Legaspi. Sinamahan pa sila ng Kapuso singers na sina Hannah Precillas, Garrett Bolden, Lexi Gonzales, Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, Jennie Gabriel, Mariane Osabel, at Vilmark Viray.
Balikan ang ilang photos sa ginanap na 'Kapuso Countdown 2022' sa gallery na ito:
















