What's Hot

Ritchie D’ Horsie, inilibing na

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News



Nailibing na ang yumaong komedyante na si Ritchie D’ Horsie sa Loyola Memorial Park sa Marikina kahapon, April 22.

By CHERRY SUN
 
Kahapon ng tanghali ay nailibing na ang yumaong komedyante na si Ritchie D’ Horsie sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
 
Nag-alay ng mga puting bulaklak at nagpalipad ng mga puting lobo ang kanyang pamilya, mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.
 
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang naulilang asawa ni Ritchie na si Joy Reyes.
 
Aniya, “Nagpapasalamat ako sa suporta ng Tito, Vic and Joey, at sa pagmamahal na binigay nila kay Ritchie.”
 
“Sana 'wag niyong kakalimutan ang Ritchie D’ Horsie kasi marami siyang ni-contribute sa industry. Marami siyang napatawa, marami siyang napangiti,” patuloy ng kanyang mensahe.
 
Iniulat din ng 24 Oras na magkasamang dumalaw sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa huling araw ng lamay ng dating Eat Bulaga host.
 
READ: 'Eat Bulaga' stars pay tribute to former co-host Ritchie D’ Horsie
 
Isang kapatid at hindi lamang sidekick ng TVJ ang turing ni Bossing sa kanya.
 
Pahayag niya, “Gusto ko 'pag naisip nila, 'pag naalala nila si Ritchie D’ Horsie eh ‘yung mga panahon na napatawa sila kasi ‘yun ang mananatili sa aming isipan. Lalo na kami, TVJ; the times na pinapatawa niya kami.”
 
Kabilang din sa ibang dumalaw ang kapatid ni Vic na si Maru Sotto, at ang dating Okay Ka Fairy Ko! co-stars ni Ritchie na sina Aiza Seguerra at Jinky Oda.
 
“On and off camera, talagang iba ‘yung sense of humor niya. Very barako sense of humor,” paggunita ni Aiza.
 
“One thing na masasabi ko kay Ritchie as a person is that... hindi niya pinabayaan ‘yung family niya. At the same time, happy na rin ako kasi knowing that he’s with the Lord, ‘yun talagang nag-commit siya ng life niya kay Jesus,” dugtong naman ni Jinky.
 
Video courtesy of GMA News