IN PHOTOS: Celebrities na pumayag na mailagay sa kabaong

Marami nang Kapuso series at pelikula ang nagdala ng matinding emosyon sa mga manonood dahil sa mga eksena tungkol sa pagkamatay ng isang karakter.
Iba't iba ang naging karanasan ng mga artista na gumawa ng ganitong klaseng eksena kung saan sila ay nilagay sa loob ng kabaong.
Isa na rito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gumanap bilang Jenny sa 2010 GMA series na 'Endless Love.' Ayon kay Marian, memorable ang seryeng ito dahil ito ang unang beses na pumayag siyang mailagay sa kabaong.
“Parang ang dami kong luhang naiiyak d'yan at hindi ko makakalimutan 'yan kasi kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung first time ko na pumayag sa isang soap opera na ilagay sa kabaong kasi namatay ako d'yan,” pag-alala ni Marian tungkol sa eksena.
Kabilang din sa mga sikat na nakagawa ng similar na eksena ay sina Ryan Eigenmann, Paolo Ballesteros, Klea Pineda, Maine Mendoza, Martin del Rosario, Antonio Aquitania, at iba pa.
Silipin ang ilang celebrities na pumayag na mailagay sa loob ng kabaong sa gallery na ito.












