IN PHOTOS: Meet the cast of Korean series 'One The Woman'

Simula April 4, mapapanood na ang doppelganger comedy series na magbibigay saya gabi-gabi, ang 'One The Woman,' na pinagbibidahan ni Miss Universe 2007 3rd Runner-up Lee Ha-nee (Julie/Mina).
Ang 'One The Woman' ay iikot sa kuwento ng isang palabang prosecutor na si Julie, na mapagkakamalang si Mina, isang api-apihang asawa mula sa mayamang pamilya, matapos na magkaroon ng amnesia dahil sa isang aksidente.
Makakasama rin ni Lee Ha-nee sa seryeng ito sina 'VIP' actor Lee Sang-yoon (Steve), Lee Won-geun (Kevin), at Jin Seo-yeon (Vicky).
Subaybayan ang 'One The Woman,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA.
Kilalanin ang cast ng 'One The Woman' sa gallery na ito:











