Article Inside Page
Showbiz News
Bakit kaya siya natulog sa sementeryo?
By MARAH RUIZ
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Tatlong gabi ding natulog si Mark Anthony Fernandez sa museleo ng kanyang amang si Rudy Fernandez sa Heritage Park, Taguig.
"Short period lang naman. Siguro mga three nights lang ako nandun, tapos nakalipat na din ako. Comfortable din ako doon dahil malaki yung museleo niya tapos may kwarto," bahagi ni Mark Anthony sa 24 Oras.
Kinailangan ng Kapuso actor na panandaliang manirahan sa museleo dahil hindi pa tapos and condo unit sa Clark, Angeles na dapat ay lilipatan niya. Ibinenta na kasi ni Mark Anthony ang kanyang bahay matapos nilang maghiwalay ng kanyang asawang si Melissa.
"Tinanong nga ako ng isang guy doon eh. Hindi ka ba natatakot dahil ano 'to eh, sementeryo. Sabi ko, hindi. Bakit naman ako matatakot? Mga kaibigan ko 'tong mga 'to—tita ko at erpat ko. Close na close ako diyan so hindi ako matatakot," ayon sa kanya.
Samantala, busy naman si Mark Anthony sa kanyang mga showbiz projects ngayon. Kasalukuyan siyang nashu-shooting para sa Manila's Finest, isang action film kasama si Jeric Raval. Kasama din siya sa cast ng bagong GMA Primetime soap na
Let the Love Begin.