Celebrities flood social media with throwback photos of Susan Roces

Labis na ikinalungkot ng buong showbiz industry ang pagpanaw ng showbiz legend at seasoned actress na si Susan Roces nito lamang May 20.
Pumanaw ang beteranang aktres na si Susan sa edad na 80.
Inukit ni Miss Susan ang kaniyang pangalan sa kasaysayan sa mahusay niyang pagganap sa ilang TV roles at mga pelikula.
Sa katunayan, si Susan Roces ay itinuturing na “Queen of Philippine Movies” dahil na rin sa mga nasungkit niyang tropeo at pagkilala sa mula sa iba't ibang award giving bodies.
Matatandaang taong 2017 ay iginawad sa aktres ang Lifetime Achievement award ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS.
Tingnan ang ginawang pag alala at pagpupugay ng ilan sa mga kasamahan sa trabaho sa show business ng nag-iisang Susan Roces sa gallery na ito.













