The beautiful life and career of Camille Prats through the years

Mahigit tatlong dekada na sa showbiz si Camille Prats. Labing-anim na taon na rin siyang nagbibigay kasiyahan at inspirasyon bilang isang Kapuso.
Noong May 26, nananatiling Kapuso si Camille nang muli siyang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Ayon kay Camille, masaya siya sa panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA para maipagpatuloy ang trabahong minahal niya.
"Ang tagal ko na rito. Dito na ako tumanda, nag-mature. I became a host because of GMA. To be able to continue that is really a blessing for me."
Tingnan ang naging buhay ni Camille Prats bilang isang artista, host, at magulang sa gallery na ito:












