These stunning celebrities are Ken Chan's leading ladies through the years

Isa si Ken Chan sa mga aktor na mahigit sampung taon nang nagsisilbing inspirasyon sa maraming viewers at artists.
Nagsimula si Ken noon sa ilang TV commercials bago niya nasungkit ang role sa teen-oriented show ng GMA na 'Tween Hearts.'
Nakuha naman ni Ken ang big break niya sa show business nang gumanap siya bilang bida at isang transgender sa drama series na 'Destiny Rose' noong 2015.
Kasunod nito, nakatanggap ng iba't ibang pagkilala si Ken na nagpapatunay na hindi lang siya basta isang aktor kundi siya ay isang mahusay na aktor. Kabilang sa mga parangal na kanyang natanggap ay ang pagiging "Most Promising Male Star" mula sa 2016 GMMSF Box-Office Entertainment Awards. Itinanghal naman siya bilang "Best Drama Actor" sa 30th PMPC Star Awards for Television para sa seryeng kanyang pinagbidahan na 'Destiny Rose.'
Noong 2019, nasungkit naman ni Ken, kasama ang on-screen partner niyang si si Rita Daniela, ang "Best Lead Performance in a TV Series" sa 17th Gawad Tanglaw para sa serye nilang 'My Special Tatay.'
Samantala, kasalukuyang napapanood ang aktor sa GMA's top-rating medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Kilalanin ang mga aktres na nakatambal ni Ken Chan sa ilang tv series at pelikula sa gallery na ito.












