The inspiring LGBTQIA+ stories of 'Wish Ko Lang'

Patuloy sa paghahatid ng pag-asa at inspirasyon ang kauna-unahang wish-granting program na 'Wish Ko Lang.'
Sa loob ng dalawang dekada, maraming buhay ang nabago at daan-daang kahilingan ang nabigyang katuparan.
Iba't ibang totoong kuwento na rin ang naitampok na sentro ang pag-ibig anuman ang kasarian at estado sa buhay.
Ngayong Pride Month, bilang pagsuporta sa mga kababayang nasa LGBTQIA+ community, narito ang ilan sa kanilang mga kuwento na naitampok sa 'Wish Ko Lang.'







