IN PHOTOS: Celebrities-turned-politicians take oath as public servants

Hindi na bago sa mundo ng pulitika ang pagpasok ng mga artista. Marami na rin sa mga nagdaang administrasyon ang sumikat muna sa showbiz bago tumakbo at naluklok sa posisyon sa pamahalaan gaya ng dating pangulo na si Joseph Estrada, dating senador na si Lito Lapid, 6th District representative ng Batangas na si Vilma Santos, dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno, dating ring alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista, at marami pang iba.
Sa pagtatapos ng administrasyon ng dating pangulo na si Rodrigo Roa Duterte ay ang pagsisimula naman ng termino ng bagong pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.. Sa ilalim ng kanyang pamahalaan ay makakasama niya rin ang ilang mga bagong kongresista, mga gobernador, at mga alkalde, kabilang na rito ang ilang mga sikat na artista na sumabak sa pagiging politiko.
Tingnan ang mga larawan ng mga celebrity sa kanilang panunumpa bilang mga bagong public servant sa gallery na ito:























