What's Hot

Christian Bautista, may political plans sa 2016?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 1:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DPWH Sec. Vince Dizon press conference (Feb. 16, 2026) | GMA Integrated News
Farm to Table: (February 15, 2026) LIVE
SB19 releases ticketing details for 'Wakas at Simula' concert

Article Inside Page


Showbiz News



Sasabak na ba ang 'My Mother's Secret' star sa mundo ng politics?
By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Bukod sa husay niya sa pagkanta, mapagkawang-gawa rin pala si Asia's Romantic Balladeer, Christian Bautista. Kasalukuyang siyang bumubuo ng isang NGO sa Imus, Cavite. 
 
"It's called Imus Volunteers. Ang gusto kong mangyari is to gather lahat ng mga taga Imus, Cavite, i-grupo sila as citizens," bahagi ni Christian sa ilang miyembro ng media.
 
"Puwede kaming pang-education. Puwede kaming pang-environment. Puwede kaming pang-improve ng city government," paliwanang ni Christian sa layunin ng kanyang NGO. 
 
Dahil dito marami ang nagtatanong, ito na ba ang magiging tulay niya sa pagpasok sa mundo ng pulitika?
 
"Tutulong kami hand in hand with the government, pero 'yung political plans kung tatakbo ako, wala po," paglilinaw nito. 
 
Kung hindi political plans, bakit nga ba niya ginagawa ito?
 
"Para makatulong sa kabataan, para makatulong sa Imus. Kasi taga-Imus ako. At para magamit kung ano pa 'yung impluwensiya meron ako," sagot nito. 
 
LOOK: Behind-the-scenes of 'My Mother's Secret' photo shoot
 
Ngunit aminado naman ang My Mother's Secret star na hindi isasarado ang kanyang mga pinto sa pulitika. 
 
"You know what, puwede. Pero hindi pa ngayon," ani Christian.
 
Dagdag pa nitong nais niyang mag-aral at paghandaan ng mabuti ang pulitika kung sakaling itutuloy nga niya ang pagpasok dito. 
 
Abangan si Christian bilang isang ama sa bago niyang teleserye, My Mother's Secret, simula sa May 25, bago ang 24 Oras.