Dito ay kinumusta ni Tito Lhar ang Kapuso actress na apat na buwan nang buntis. Ayon kay Marian ay malalaman na nila ni Dingdong kung ano ang gender ng kanilang magiging unang anak sa susunod na linggo. May pangalan na kayang naisip ang Dantes couple para sa kanilang firstborn?
Wika ni Marian, “Basta 'pag lalaki laging may Jose. 'Pag babae, sana palaging may Maria. Kasi Mary ako and then Jose siya (Dingdong). Pero 'di ko alam, baka magbago pa rin.”
Ikinuwento rin ng aktres na nabawasan ang kanyang morning sickness. Mapapansin din ang pagpayat ni Marian. Aniya, mapili raw siya at puro healthy food na lang ang kinakain dahil determinado siyang i-breastfeed ang anak.
“Konti lang ‘yan sa mga dapat ko pang gawin para sa kanya. Kung kaya ko pa ibigay ang lahat para mas maging okay siya at maging healthy, lahat ‘yan gagawin ko,” paliwanag nito.